LTO Reviewer (Tagalog)
By Hanna
Posted on Jul 03, 2020
Kung gusto mo makakuha ng lisensya para ikaw ay makapagmaneho, kailangan mong maipasa ang LTO driving test. Ang pagsusulit sa LTO ay binubuo ng actual na driving test at isang written na driving test. Upang makapasa at makakuha ka ng lisensya, kailangan mong maipasa ang parehong pagsusulit.
Upang magkaroon ng ideya sa pagsusulit, narito ang mga katanungan:
- Habang nag mamaneho, dapat kang tumingin sa “side and rear mirrors” ng:
Answer : Mabilis / Madalian
- Sa isang interseksyon na may “STOP SIGN” dapat kang :
Answer : Huminto at mag patuloy kung walang panganib
- Maari bang lumusot (overtake) sa kanang bahagi ng sasakyan kung:
Answer : Ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon
- Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang “Non-Professional” ay:
Answer : 17 taong gulang
- Bago umalis ng paradahan dapat mong :
Answer : Suriin ang paligid bago mag patakbo
- Matapos kang lumampas (overtake) at nais mong bumalik sa pinanggalingan linya ng ligtas kailangan:
Answer : Makita mo sa “rear view mirror” ang iyong nilagpasan
- Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?
Answer : Maghanda ng kagamitang pangkumpuni ng sasakyan kung masiraan Planuhin ang ruta at ikondisyon ang sasakyan
- Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung:
Answer : Nakatigil ng matagal at patay ang makina
- Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:
Answer : Pribelehiyo
- Ang lisensyang “Non-Professional” ay para lamang sa:
Answer : Mga pribadong sasakyan
- Kung paparada ng paahon sa may bangketa, dapat mong ipihit ang gulong:
Answer : Palayo sa bangketa
- Ano ang kahulugan ng patay sinding kulay pulang ilaw trapiko?
Answer : Huminto at magpatuloy kung ligtas
- Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa ?
Answer : Magbigay ng hudyat na hindi kukulang sa 30 metro
- Sa tuwing lilipat ng linya, dapat sumenyas, tignan ang iyong “rear view mirror” at
Answer : Tignan kung may parating na sasakyan
- Sa highway na may dalawang guhit maari kang lumusot (overtake) kung sa iyong panig ay may:
Answer : Putol-putol na dilaw na guhit
- Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:
Answer : Maaring masangkot sa isang aksidente
- Kung ang drayber ng sasakyan na sa unahan mo ay maglabas ng kanyang kaliwang kamay at iunat ito, nakatitiyak ka na siya ay:
Answer : Kakaliwa
- Ano ang dapat gawin kung parating nasa isang kurbada?
Answer : Magmarahan/ bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada
- Ang mahuling lasing sa alak o ipinagbabawal na gamot ay may karampatang parusa na:
Answer : Multa o pagkabilanggo at pagsuspinde ng lisensya
- Kung magpapatakbo ng mabagal sa “Expressway” dapat kang gumawi sa:
Answer : Pinakakanang bahagi ng daan
- Ano ang dapat mong dalhin kung nagmamaneho?
Answer : Lisensya, rehistro at resibo ng huling ng pinagbayaran ng sasakyan sa LTO
- Kung masangkot sa isang sakuna, dapat itong ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya:
Answer : Kaagad-agad
- Mapanganib magpatakbo ng matulin kung gabi sapagkat:
Answer : maikli ang abot tanaw kong gabi
- Ano ang dapat gawin kung pinahihinto ng pulis
Answer : huminto at ibigay ang lisensya at iba pang papels ng sasakyan kung hinihingi
- Mapanganib ang palikong kaliwa kaysa kanan sapagkat:
Answer : Kailangan maging listo sa mga sasakyan magmumula sa kaliwa, kanan at pasalubong
- Ang pinakaligtas na alituntunin kahit ikaw ang may karapatan sa daan ay:
Answer : Huwag ipilit ang karapatan
- Sa mga rotonda, alin ang may karapatan sa daan?
Answer : Ang sasakyang nasa paligid ng rotonda
- Hindi dapat lumusot (overtake) sa paanan ng tulay sapagkat:
Answer : Hindi nakikita ang kasalubong na sasakyan
- Ano ang pinakaligtas na distansya/agwat ng isang sasakyang sa kanyang sinusundan?
Answer : Isang sukat ng sasakyan
- Ano ang kahulugan ng patay sinding dilaw na ilaw trapiko?
Answer : Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib
- Ano ang kahulugan ng tuloy-tuloy na guhit na kulay dilaw?
Answer : Bawal lumusot
- Ayon sa batas, hindi ka maaring, magmaneho ng matulin maliban kung:
Answer : Walang panganib
Naayon sa takdang bilis o tulin
- Ano ang dapat mong gawin kung ang sasakyan sa likuran mo ay gusting lumusot (overtake)?
Answer : Magmaharan, gumawi sa kanan at baayan itong lumampas
- Ang isang may lisensya ay maaring magmaneho ng ?
Answer : Uri ng sasakyang nakasaad sa lisensya
- Kung ang makasalubong mo ay may nakakasilaw na ilaw, ano ang dapat mong gawin?
Answer : Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsada
- Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na tatsulok ang hugis?
Answer : Nagbibigay babala
- Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na pabilog, octagon o baligtad tatsulok?
Answer : Nagbibigay babala
- Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay asul at puti na pabilog ang hugis?
Answer : Nagbibigay direksyon at impormasyon
- Ano ang kahulugan ng senyas trapikong asul at puti na parihaba o parisukat ang hugis?
Answer : Nagbibigay ng impormasyon
- Ano ang kahulugan ng berdeng Ilaw trapiko?
Answer : Senyas upang patakbuhin ang sasakyan
- Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?
Answer : Humanda sa paghinto at malapit ng sumindi and ilaw na pula
- Ano ang kahulugan ng berdeng signal trapiko?
Answer : Patakbuhin ng tuloy-tuloy ang sasakyan
- Ano ang ibig sabihin ng berdeng “arrow” signal ng trapiko?
Answer : Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumaliwa o kumanan
- Ano ang ibig sabihin ng dilaw na “arrow” signal na trapiko?
Answer : Ang pulang arrow ay malapit na sumindi
- Ang puting linya sa daan ay:
Answer : Naghihiwalay sa trapiko na tumakbo sa iisang direksyon
- Ang dilaw na linyang tuloy-tuloy ay palatandaan na:
Answer : Bawal ang paglusot sa kaliwa
- Ang dilaw na linyang putol-putol at palatandaan na:
Answer : Pinapayagan ang paglusot sa kaliwa
- Ang puting linyang putol-putol ay palatandaan na:
Answer : Maaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang peligro
- Ang dalwang dilaw na linya na putol-putol ay palatandaan na:
Answer : Maaring lumusot sa pakaliwa o pakanan
- Ang dalawang dilaw na linya na tuloy-tuloy ay palatandaan na:
Answer : Bawal lumusot kailanman
- Ang kailangang gulang ng aplikante para sa “Professional Driver’s License” ay:
Answer : 18 taong gulang
- Sa highway kung nais mong magpatakbo ng mabagal kaysa iba, dapat kang gumawi sa;
Answer : Pinakakanang bahagi ng kalye
- Ang pinakaligtas na tulin ng isang sasakyan ay naayon sa:
Answer : Kakayahan ng sasakyan
- Ano ang dapat mong gawin upang malaban ang pagod at antok sa haba ng biyahe?
Answer : Huminto paminsan-minsan at magpahinga
- Ang isang drayber ay itinuturing na propesyonal kung:
Answer : Siya ay inuupahan o binabayaran sa pagmamaneho ng sasakyan pribado o pampasahero
- Sa isang sangandaan/ intersekyon na walang nakatalagang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating mulan sa kaibang kalye, aling sasakyan ang dapat magbigay?
Answer : Ang huling dumating
- Kailangan mag bigay ng senyas kung kakanan o kakaliwa sa daratnang intersekyon sa layong:
Answer : 30 m
- Ang lisensya ay maaring ipagamit sa iba:
Answer : Hindi pinapayagan kailanman
- Ang ligtas na alintuntunin kahit nakatitiyak na ikaw ang may karapatan sa ay:
Answer : Huwag ang karapatan
- Kung umilaw ang brakelights ng sasakyan nasa iyong unahan dapat kang :
Answer : Humanda sa pagpreno
- Sa isang intersekyon na walang nakatalagan senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumating. Alin sasakyan ang may karapatan sa daan ?
Answer : Ang sasakyang galing sa kanan
- kung may tumatawid sa tawirang pang paaralan, ano ang dapat mong gawin?
Answer : Huminto at wag magpatuloy habang may taong tumatawid
- Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay asul?
Answer : Nagbibigay kaalaman
- Ipinagbabawal ang paglusot (overtaking) sa paanan ng tulay sapagkat:
Answer : Mapanganib at hindi nakikita ang sasakyan kasalubong
- Kung masangkot sa isang sakuna ano ang dapat gawin ng drayber?
Answer : Ipagbigay alam ang pangyayari sa pinakamalapit na pagamutan at sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya
- Ano ang kahulugan ng kulay pulang ilaw trapiko?
Answer : Huminto at hintayin ang berdeng ilaw
- Kailan dapat magdesisyon ang drayber?
Answer : Habang siya ay nagmamaneho
- Saang lugar hindi ka dapat lumusot (overtake)?
Answer : Sa paanan ng tulay at sa mga sangandaan o interseksyon
- Mapanganib ang likong pakaliwa kaysa pakanan sapagkat
Answer : Lubhang mabilis ang sasakyang galing kaliwa, kanan at kasalubong
- Ano ang dapat mong gawin kung may pasaherong gusting bumaba?
Answer : Paalalahanan sila na mag-ingat sa pagbaba
- Ang busina ay ginagamit upang:
Answer : Makapagbigay babala ng kaligtasan/ pag-iingat
- Ano ang kahulugan ng arrow o palasong nakapinta sa kalsada?
Answer : Sundin ang direksyong itinuturo
- Ang pulang bandera o pulang ilaw ay dapat nakakabit sa anumang dala ng sasakyan lalampas ng:
Answer : Isang metro mula sa likuran ng sasakyan
- Hindi ka pinapayagan tumawid sa kabila ng buong dilaw na guhit maliban kung ikaw ay:
Answer : Palikong kaliwa
- Ano ang wastong senyas kamay kung ikaw liliko sa kanan?
Answer : Nakalabas ang kaliwang kamay at nakaunat
- Ano ang takdang tulin ng isang sasakyan na lugar ng paaralan?
Answer : 20 kph
- Saang lugar hindi maaring pumarada?
Answer : Sa lugar na tawiran ng tao
- Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay maglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa ibaba siya ay:
Answer : Hihinto
- Kung ang drayber na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa itaas, siya ay:
Answer : Kakanan
- Kung ang gusto mo ay magpalit ng lanes sa highways, kailangan magsignal:
Answer : Sampung segundo bago gawin ito
- Ang pagmamaneho ng walang lisenya ay ipinagbabawal ng batas ay may kaparusahang:
Answer : Multa o pagkabilanggo