loader

Q: Para saan ang CTPL o Compulsary Third Pary Liability?

A: Ang CTPL ay mandatory ng government na ang lahat ng sasakyan need kumuha ng CTPL para sa registration ng kanilang sasakyan at ang minimum na coverage nito ay 100,000 ito ay incase na makabangga ka tao insured siya ng hanggang 100k.and incase sa hospitalization Meron yan schedule. and lahat ng brandnew na sasakyan bago irelease sa casa mayroong 3 years na CTPL.

Q: Para saan ang OD or Own Damage?

A: Ang own Damage ay kapag ang ipapagawa yong mismong insured Unit ang maximum na babayaran na pampagawa sa insurance ay naka depende kung ano yong current market value ng sasakyan, kung ma declare na total loss o hindi naman ay kailangan pa rin itong bayaran ng Insurance base rin sa current fairmarket value ng sasakyan..

Q: Para saan ang EBI,BI or Excess Bodily Injury?

A: Ang Excess Bodily Injury kapag aksidenteng may mabangang tao , ini-extend ang coverage nito  sa CTPL Insurance.

Q: Para saan ang PD or Property Damage?

A: Ang Property Damage kapag ang ipapagawa ay ang nabangga ng insured vehicle, halimbawa ay sasakyan o bahay o kahit anong pwedeng mabangga na Property, ang maximum na babayaran na pampagawa sa insurance ay naka depende kung ano yong napili na property damage coverage nung binili ang insurance.. kapag hindi aabot ang coverage na ito or sosobra dun ay sasagutin na ng assured.

Q: Para saan ang PA or Passenger Accident?

A: Ang Passenger Accident kapag na aksidente ang nasa loob ng insured vehicle, pwedeng i-reimburse ang gastos sa ospital base sa scheduled of indemnity. ang maximum na coverage nito ay nakadepende rin sa napili nilang coverage sa Passenger Accident. minsan FREE ng Insurance ang PA hanggang 250k for 5 person 50k ang bawat isa..

Q:Para saan ang Theft?

A: kapag nacarcap ang sasakyan, babayaran ni insurance  base sa current fairmarket value, kapag nadeclare na unrecoverable or hindi na mahanap ang sasakyan ..ito ay agad na sasabihin or ireport sa HPG anti-carnapping group. para ito din ang irereport nyo sa insurance upang maclaim nila ito.

Q: Para saan ang Acts of Nature o Acts of God Coverage?

A: Ang Acts of God(AOG) o Acts of Nature(AON) ay kung saan maaring sagutin ni Insurance Company ang pag papagwa sa iyong sasakyan kung ang dahilan ng pagkasira ng iyong sasakyan ay dahil sa Acts of Nature o natural na kalamidad sa ating bansa gaya ng Baha, Lindol o Tsunami.

Q: Ang Comprehensive insurance ba ay mandatory?

A: Depende, Kung ito ay nakafinancing/Loan sa Banko kinakailangang kumuha nito sapagkat maaring i-Auto Renew ng Banko. at ito ay ipapabayad sa inyo kung ilang taon ka hindi kumuha ng Comprehensive Insurance.

Q: Ano ang mangyayari kung hindi ako makakuha ng insurance?

A: Kung ikaw ay masangkot sa isang aksidente, at hindi ka nakainsured mahaharap ka sa malaking problema or demanda at mababaliwala ang iyong savings at ikaw mismo ang magbabayad ng buo at kung sakali baka ikaw ay makulong.

Q: Mayroon bang iba't ibang mga coverage na sakop ang Comprehensive Insurance?

A: Yes, mayroong iba't-ibang Coverage ang insurance at ang mga ito ay ang mga sumusunod: Own Damage, Theft, Excess Bodily Injury, Property Damage, Passenger Accident and Acts of Nature.

Q: Ano ang mangyayari kung makalimutan kong magbayad ng aking premium payment?

A: Ang Insurance Company ay mag-eemail ng Warning Notice, kung ito ay mangyari ulit, mag-sesend kami ng LETTER FOR CANCELATION OF POLICY.

Q: Kapag ba nag-bayad sya ng estimate fee , masasama na rin ba yon sa participation fee ni Client?

A: Yes, kasama na basta wag lumipat ng ibang shop kung saan nagpaestimate doon din papagawa.

Q:Maaari ko bang baguhin ang aking Inception/Effectivity Date kahit kailan ko gusto?

A: Depende, lalo na kapag ito ay nakaloan sa banko...pero kung wala ng financing at bayad na sa loan maaring baguhin kung kailan gusto mong Inception Date ng iyong Insurance.

Q: Ilang Araw bago makuha ang LOA or Letter of Autority?

A: 7-10 working days, depende ito sa damage ng sasakyan! kapag ito ay malaki minsan naglalaan pa ng ilang araw para sa Estimate or evaluation ng Insurance.

Q: Makakapag-claim ba sa Insurance kahit Installment?

A: Yes, pero kailangan bayaran ng buo ang Insurance para makapag-claim, kaya lang nagbibigay ng installment para mapagaan ang pagbayad ng client.

Q: Paano Kung Inassume Lang yong Unit at Hinuhulugan pa sa Banko?

A: Dapat nakaname padin sa original owner kasi yon ang requirements ng Bank. Kailangan na po natin dito is Notarized Deed of Sale and then after masubmit sa bank ang original pwede nangiendorse yong policy under the name of the new owner . This Arrangement is internal para si new owner have the right or yong tinatawag na meron syang Insurable Interest.

Q: Paano Kung yong unit binili ng secondhand at Open Deed of sale Tapos Hindi pa Natransfer sa Ownership.

A: If hindi naman nakaFinancing sa Bank and Open Deed of sale pwede naman natin iwrite without the deed of sale as long as yong policy is nasa name na ng new owner..kapag nag claims need nya ipresent ang notarized Deed of Sale.

Q: Sir. expired na po si client backdating possible pa po ba sya bigyan ng terms up to 6 months?

A: depende yan sa insurance company kasi ang insurance hindi talaga yan nauutang its" CASH AND CARRY".. Since binigyan ni insurance company ang Agency or Broker like sa atin ng terms na 90 days and yong iba naman up to 120 days ineextend ni agency yong kanyang terms sa client nya due to competition..dahil may mga insurance agency na malalakas magbenta at ok ang credit rating binibigyan sya ng up to 5 months...ang kaso may insurance na ayaw magpautang ng matagal so para hindi masayang yong negosyo ilalapit natin for approval kasi sayang naman kung mawala..again lahat pwede insured ipaapprove lang sa Boss wala dapat tayong masasayang na Benta....

Q: Kanino dapat ipangalan ang Policy kung secondhand nabili pero meron siyang Open deed of sale?

A: Dapat ipangalan ung policy sa new owner kasi sya naman ang magbabayad ng premium ,puede natin hindi hingan ng copy ng deed of sale pero kapag nagkaroon sya ng claim ay dapat magsubmit sya ng notarized deed of sale. In the case na ung policy ay nakapangalan sa old owner kung ano ung nakalagay sa OR/CR at magclaim si new owner merong possibility na madeny ang claim nya at yan ay nakasaad sa policy sa terms and conditions and we call that "NO INSURABLE INTEREST". kaya ng ung mga bumili ng secondhand na merong existing policy dapat maendorse sya sa name ng new owner.

Q: Ano ang Deductible/Participation Fee?

A: ang amount na ibabayad ni client kapag naaccident, bago magbayad ng remaining amount si insurance company.

Q: Ano ang Authorized Repair Limit?

A: limit ni insurance ito kung kailan pwedeng iclaim sa insurance for example: ang participation ng client ay 3k, If More than sa 3k pwedeng Iclaim natin sa Insurance pero kung Less Than sa 3k hindi pwede iclaim sa insurance...

Q: Sir. yong Towing ba natin may limit?

A: Yes, may Limit hanggang 3 event/towing lang sa isang taon ..at maximun of 5k per towing. Kapag lumagpas sa 5k ang Towing, si client ang magshoulder or magbayad ng remaining..

Q: Anong mga Banko ba ang nagpepenalty at same lang ba cla ng amount sa penalty?

A: ang mga banko na nagpepenalty ay si PSbank, RCBC and Chinabank , silang tatlo ay magkakaiba ng amount ng penalty narito ang mga penalty; PSbank : 2,500, RCBC: 1,500 & Chinabank : 300

Q: kailan ba nag-kakaroon ng depreciation sa parts si client kapag ito ay may Claim?

A: kapag Over 3 years na ang sasakyan nagkakaroon na sila ng depreciation sa parts depende ito sa taon ng sasakyan habang patanda ang age ng sasakyan tumataas ang percentage ng depreciation nito.

Q: Paano po magclaim kapag self accident lang?

A: Gumawa ng Notarized affidavit of Driver Kwento lang yong nangyari and then complete na yong ibang requirements na kailangan Like Estimate, ORCR, Pictures of Damage Portion (Include of Plate No.), Driver's License & OR and Insurance Policy.

Q: Sir. Paano kung may bumangga sa akin pero walang Insurance, pwede bang sa Insurance ko na lang Ipagawa?

A: Yes, Pwede yon magpagawa lang ng Police report para ito yong patunay na binangga kayo, tapos complete na ulit yong iba pang requirements na kailangan katulad ng Estimate, OR&CR, Pictures of Damage portion, Drivers License & OR and Insurance Policy.

Q: Kung hindi accredited yong pagpapagawan ko maari bang magkaroon ng delay or mabagal na process sa Claim?

A: same lang ang process mapa-accredited or Hindi, basta lahat ng Shop or Casa tumatanggap ng approval ng Insurance at depende rin ito sa damage ng sasakyan mo, maaring magkaroon ng delay kung hindi magpapasa ng mas maaga ang shop or casa ng advance billing sa insurance..

Q: Mag-caclaim ako sa Insurance ng nakabangga sa akin paano po ang process ?

A: humingi sa Agent mo or pwede direct sa insurance company kumuha ng certificate of no claims (CNC) para makapag-claim ka sa insurance ng nakabangga sayo..tapos complete na ulit yong iba pang requirements na kailangan katulad ng Estimate, OR&CR, Pictures of Damage portion, Drivers License & OR .